Ano ang iyong almusal kanina?
Lauriat - mga tira kagabi. Garlic rice, paksiw na lechon, dinuguan, diningding, and sisig.
Ikaw ay may itlog — nilagang itlog. Paano mo ito kakainin?
Babalatan, bubudburan ng asin, kakainin.
Ano ang paborito mong local na junkfood?
Clover
Ikaw ay kinuhang TOP CHEF sa isang engrandeng pagtitipon. Ano ang iyong ihahain sa mga bisita? (Note: Ang mga pagkain na ihahain mo ay ang mga alam mong lutuin. Bawal magsinungaling)
Salad: Chicken salad sa Pho hoa, bibili na lang ako ng dressing dun
Soup: Hot and Sour Soup ng Knorr
Main Dish: Beef tenderloin with gravy (hahanapin ko pa lang kodigo ko)
Dessert: Refrigerator cake
- halatang di marunong magluto.
Kung ikaw ay makakain sa restaurant ngayon din, saang restaurant ka pupunta at bakit?
Sa Breakfast at Antonio's sa Tagaytay. Gusto ko ng hot chocolate dun, yummy!
Saang restaurant mong gusto makapunta, pero di ka lang nakakarating pa?
Sa Italian restaurant sa Don Bosco makati. Mura daw dun, masarap pa.
May pizza sa harap mo. Ano ang ayaw mong makitang topping sa pizza mo?
Parati ko inaalis ang bell pepper.
Ano ang madalas mong orderin sa Jollibee?
Palabok fiesta
Paano magluto ng Sinigang? Marunong ka ba?
Di ako sigurado kung tama. Pakuluan ang baka with kamatis and sibuyas. Pag malambot na, add the gabi. Pag malambot na ang gabi, add the labanos. Pag ok na ang labanos, add the kangkong and the sinigang mix. Tama ba?
Ikaw ay may fried chicken sa harap mo. Ano ang dapat niyang kapartner para masarap ang kain?
Gravy ng KFC.
Kumakain ka ba ng dinuguan? Alam mo ba kung saan ito gawa?
Dugo ng baboy. Pwedeng laman loob ng baka, pwedeng laman loob ng baboy. Pwede din chicken or itik.
Kung nagutom ka after mo basahin ito, you’re tagged!
No comments:
Post a Comment